^

Bansa

TRO vs liquor ban hindi na iaapela

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Matapos na magpalabas ng Temporary Res­training order ang Korte Suprema laban sa limang araw na pagpapatupad ng liquor ban, wala namang balak ang Commission on Elections na iapela ito.

Sinabi ni Comelec Chairman Sixto Brillantes Jr., na hindi na rin sila maghahain ng komento sa Supreme Court hinggil sa extended liquor ban.

Aniya, plano na rin nilang i-withdraw na lamang ang kanilang resolusyon upang hindi na lumaki pa ang isyu lalo na ngayong marami pa silang ibang problema kaugnay sa eleksiyon sa Lunes.

Sa kabila naman nito, nanindigan si Brillantes na sa kanilang palagay ay rasonable lamang naman ang limang araw na liquor ban.

Dapat sana ay ipatutupad na ang limang araw na liquor ban simula kahapon (Mayo 9) hanggang sa Mayo 13 ngunit dahil sa TRO ay magiging dalawang araw na lamang muli ang liquor ban o mula sa Mayo 12 hanggang sa election day, na siyang itinatakda ng batas.

Ang resolusyon sa extended liquor ban ay inilabas ng Comelec batay na rin sa kahilingan ng Metro Manila­ Development Authority.

 

vuukle comment

ANIYA

BAN

BRILLANTES

COMELEC CHAIRMAN SIXTO BRILLANTES JR.

DEVELOPMENT AUTHORITY

KORTE SUPREMA

METRO MANILA

SUPREME COURT

TEMPORARY RES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with