^

Bansa

Mag-utol na Alan at Pia pauwi na ng bansa – NBI

Ludy Bermudo, Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Mag-utol na Alan at Pia pauwi na ng bansa – NBI
Sen. Alan Peter Cayetano was spotted at the Ninoywas spotted at the Ninoy Aquino International Air-Aquino International Air- port before departing forport before departing for Singapore last night.Singapore last night.
STAR/ File

MANILA, Philippines —  Inihayag ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag na pauwi na ng bansa ngayong Sabado, Setyembre 12 sina sina Senators Alan Peter Ca­yetano at Pia Cayetano matapos ang biyahe sa abroad.

“I think they’re going to Singapore for a vacation. That is their statement. And I have information that they will be coming back tomorrow ata, tomorrow 11pm or Sunday 11pm, SQ-918. Parang yun yata yung information na pumasok sa akin,” ani Matibag.

Aniya, wala siyang nakikitang problema sa pagbiyahe sa labas ng bansa ng magkapatid at hindi rin masisisi ang publiko sa reaksyon at mga komento dahil sa timing ng pag-alis ng dalawa.

Una nang kinumpirma ng Bureau of Immigration (BI) na umalis ng bansa ang dalawang senador kasunod ng napaulat na namataan sila sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), ngunit walang hold departure order o derogatory record laban sa kanila na makakapigil sa kanilang pag-alis.

Matatandaang nagsumite na si Sen. Panfilo “Ping” Lacson ng mga dokumento at testimonya sa Office of the Ombudsman kaugnay ng umano’y anomalya sa mga flood control project sa Taguig City, na iniuugnay kay Sen. Alan.

Bukod pa rito, inaalam ng NBI ang kaugnayan ni Sen. Alan sa umano’y mga anomalya noong ­hosting ng Pilipinas ng 2019 Southeast Asian Games, kung saan siya itinalaga ni dating Pangulong Rodrigo Duterte bilang chairman ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC), subalit hindi lumutang sa paper trail.

MELVIN MATIBAG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with