Marami mamamatay kung itotodo manhunt ops vs Bato – Jonvic

MANILA, Philippines — Inamin ni Department of Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla na marami ang mamamatay kung itotodo ang operasyon laban sa nagtatagong si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa.
Inihayag ito ni Remulla matapos dumalo sa budget hearing ng DILG sa Senado. Natanong si Remulla tungkol sa una niyang pahayag na iniiwasan nilang gumamit ng “body bags” patungkol sa operasyon ng kapulisan sa paghahanap kay Dela Rosa.
“Ah, body bags means if we go on a full operations, may maraming mamamatay. That’s what it means,” ani Remulla.
Ipinaliwanag ni Remulla na marami ang malalagay sa alanganin dahil sa “nature” ng operasyon kaya patuloy ang isinasagawa nilang negosasyon.
“Because of the nature of the operations. A lot of people will be put in jeopardy. So the negotiations are ongoing and we will smoke them out sooner or later,” ani Remulla.
Tiniyak din ni Remulla na lumalaki na ang tiyansa na mahuli nila si Dela Rosa.
Tumanggi rin si Remulla na kilalanin ang sinasabi niyang protector ni Dela Rosa dahil malalagay sa alanganin ang kanilang operasyon.
“It’s an executive matter na... It’ll jeopardize the operations we deal wirh the persons asked... So, iwan niyo muna sa akin yan while we do the operations,” ani Remulla.
Matatandaan na nagtago si Dela Rosa dahil iniiwasan nitong madala sa The Hague natapos magpalabas ng warrant of arrest ang International Criminal Court (ICC).
- Latest



















