Tinga at mga kaalyado desperado
MANILA, Philippines - Mariing kinokondena ng Team Lani Cayetano (TLC) ang umano’y panggugulo ni Rica Tinga, mga kaalyado nito at mga tagasuporta sa city hall noong Sabado.
“Malinaw na ito ay isang desperadong hakbangin. Nais nilang lumikha ng eksena para palabasin na magulo ang lunsod ng Taguig at mapasailalim ito sa Comeled control at maÂdali silang makapanÂdaya,†pahayag ni Atty. Lyle Nino Pasco, legal counsel ng Nacionalista Party (NP)-Taguig.
Sinabi ni Pasco na matagal nang nais ng mga Tinga na isailalim ang Taguig sa kontrol ng Commission on Election dahil malapit sila sa ilang matataas na opisyal nito.
Inihalimbawa ni Pasco si Comelec Chairman Sixto Brillantes na daÂting abogado ng pamilya Tinga. Ito ang mismong election lawyer ni Dante Tinga nang sampahan nito ng electoral case si Mayor Lani Cayetano ma tapos ang 2010 elections.
Iginiit pa ng legal counsel ng NP-Taguig na sinadya umano ni Tinga ang insidente dahil nais nitong isalba ang kanyang kandidatura at pataasin ang kanyang survey rating na sa ngayon ay nasa 20 percent lamang, kumpara sa 80 percent ni Mayor Lani.
“Batay sa resulta ng mga survey, naiiwan ng milya-milya sa rating si Rica ni Mayor Lani CaÂyetano. Eighty-percent ng mga Taguigeno ay nagsasabing boboto sila kay Mayor Lani. Kaya giÂnawa nila Rica itong mga pangggugulo sa pag-asang makukuha nila ang simpatya ng publiko,†sinabi ni Pasco.
Kasabay nito, ipinagtanggol ni Pasco ang mga tauhan ng Public Order and Safety Office (POSO).
“Nananahimik yung mga tagapagbantay ng city hall, bigla silang lulusob. Kung nagha-house to house sila, bakit sila pu punta ng city hall, walang tao doon dahil Sabado, sino ang susuÂyuin nilang mga botante roon at gusto nilang pumasok sa loob pa mismo ng city hall. May karapatan ang mga tauhan ng city hall na deÂpensahan ang kanilang mga sarili. Nang may tamaan ng bato na nanggaling sa kampo nina Rica ay ipinagtanggol lang nila ang kanilang sarili,†giit pa ng batang abogado.
- Latest