Team PNoy hataw sa Quezon!
MANILA, Philippines - Siyam na araw bago ang halalan sa Mayo 13, 2013, napatunayan ng Team PNoy sa lalawigan ng Quezon ang kanilang kalamangan sa kalaban makaraang manguna ang team leader at gubernatorial candidate nitong si Irvin Alcala ng 8.3% sa katunggali nitong NUP bet at reelectionist na si David Suarez.
Sa poll tracking para sa congressional at provincial candidates sa lalawigan na isinagawa ng Data Advisors, Inc. sa pagitan ng Abril 28 at Mayo 1, 2013, nakakuha si Irvin, anak ni Agriculture Sec. Proceso Alcala, ng 54% ng 1,200 respondents mula sa dalawang lungsod at 39 munisipalidad ng nabanggit na lalawigan.
Si David, na anak naman ng Lakas stalwart na si Danilo Suarez, ay pinaboran ng 45.7% ng mga respondent.
Batay sa Data Advisors, 98% mapagkakatiwalaan ang naturang survey kung saan ang maximum margin of error nito para sa district positions ay plus-minus 2.8% habang 3.5% ang plus-minus factor sa provincial positions.
Nabatid na para sa edad 18 pataas at pinili mula sa lahat ng econoÂmic classes, ang tanong ay “Kung ngayon gaganapin ang halalan, sino ang iboboto mo sa pagka-gobernador, bise gobernador, provincial board members at congressman?
Ipinakita rin sa survey na malakas ang endorsement factor mula sa mga dating Pangulo kung saan 72.9% para kay Pangulong Aquino, 58.7% para kay dating Pangulong Joseph Estrada at 38.9% para kay dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.
Sa tanong na “gaganÂda ang buhay kung ang magiging gobernador ng Quezon ay si,†64.6% ang pumili kay Alcala habang 35.2% ang pumili kay Suarez.
Sa labanan sa pagka-bise gobernador, lumamang din ang running-mate ni Alcala na si Sam Nantes ng 11.1% sa botong 54.1% laban kay Romano Talaga na pinili ng 43% respondents.
Ang labanan sa pagkakongresista sa apat na distrito ng lalawigan na may mahigit isang milyong boto ay pumapatak ng tatlo laban sa isa pabor sa congressional bets ng Team PNoy.
- Latest
- Trending