2 pasahero umeksena sa NAIA
MANILA, Philippines - Dapat malaman at isaÂisip ng mga biyaherong nangingibang-bansa na kailangan nilang magbayad ng kaukulang buwis sa mamahaling mga kagamitang dala nila pagÂbalik nila sa Pilipinas.
Kahapon ng umaga, gumawa ng eksena sa Ninoy Aquino InternaÂtional Airport ang dalaÂwang magkaibigang nagmula sa Singapore at Taipei.
Nagtaas sila ng boses nang pagbayarin na sila ng customs examiner ng buwis para sa bagong mamahaling bag ng Louis Vuitton na nabili nila sa ibang bansa.
Kinilala ni Customs exaÂminer Richard Baloloy ang dalawa na sina Venus Sy Cruz at Lina Tiu.
Itinanggi nang dalawa na meron silang dapat ideklara nang tanungin sila hinggil dito pero nakita ni Baloloy sa pagsusuri ang mamahalin nilang kagamitan sa loob ng kanilang maleta na kailangang patawan ng buwis. Si Cruz ay may bitbit na bag ng Louis Vuitton sa kanyang bag nang oras na iyon.
“Bakit ako magbabaÂyad ng tax? Kaya hindi umaasenso ang Pilipinas dahil sa ginagawa ninyo?†bulalas ni Tiu nang ipasa siya ni Baloloy kina Customs Supervisors Fanny Tolentino and Tom Maranan para tayahin ang babayaran nilang buwis.
Nagbayad naman si Cruz kinalaunan ng P11,449 na buwis para sa bag, Pero si Tui, makaraang magbayad ay pumasok sa counter ng superbisor at itinapon sa customs official ang resibo at mabilis na umalis sa palirapan.
Nasangkot din sa ganitong insidente ang aktres na si Angelica Panganiban noong DisÂyembre 2011 nang pagbayarin siya ng buwis para sa kanyang Hermes na bag.
- Latest