^

Bansa

Bio-waste fuel plant itatayo ni Erap Basura gagawing pera!

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - “May pera at maraming patrabaho na maaaring magmula sa tone-toneladang basura na hindi nakukulekta sa Maynila kada araw.”

Iyan ang ipinahayag ni dating Pangulo at Manila mayoral candidate Joseph Estrada sa kanyang pagbisita kamakailan sa Tondo kung saan ay personal niyang namalas ang umiiral na kahirapan sa Smokey Mountain, Parola at Isla Puting Bato.

Ayon kay Estrada, ang gabundok na problema ng basura sa Maynila ay gagawin niyang solusyon sa kahirapan na nararanasan ng maraming taga-Maynila. Ani Estrada, magsusulong siya ng bio-waste fuel technology na lilikha ng maraming patrabaho sa siyudad.

Sa huling survey ng University of the Philippines, umabot na sa 10 porsyento o 160,000 na Manilenyo ang walang trabaho.

“Kung lampas-taong pagbaha at pagdumi ng kapaligiran ang resulta ng tone-toneladang basura sa Maynila, sa ating solid waste management program ay gagawin nating source ng enerhiya, patrabaho at pondo para sa edukasyon ang basura,” wika ni Estrada.

Bukod sa job opportunities sa biofuel technology, sinabi ni Estrada na marami ring patrabaho na malilikha sa mga pier sa Maynila, partikular sa trucking, hauling at warehousing ng mga basura bago iproseso para panggalingan ng enerhiya at biofuel.

“Agad makapapasok sa trabaho ang mga gradweyts ng kolehiyo sa Maynila sa mga pier na nagseserbisyo sa may 6,000 vans kada araw,” ani Estrada, na nagselebra ng kanyang ika-76 kaarawan noong Abril 19 sa pagbibigay ng tulong sa Association de damas de Filipinas, isang bahay-ampunan sa Paco, Maynila na tinulungang itayo ng kanyang namayapang inang si Donya Mary.

Batay sa pag-aaral ng Asian Development Bank, 6,700 tonelada ng basura ang nalilikha sa Metro Manila kada araw at 854 tonelada nito ay nagmumula sa Maynila.

Anang bangko, aabot sa dalawang megawatts ng kuryente ang pwedeng malikha sa “waste-to-energy” plants na gagamitin ng basura bilang fuel.

ANI ESTRADA

ASIAN DEVELOPMENT BANK

BASURA

DONYA MARY

ISLA PUTING BATO

JOSEPH ESTRADA

MAYNILA

METRO MANILA

SMOKEY MOUNTAIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with