Team PNoy ginigiba ng UNA!
MANILA, Philippines - Ang United Nationalists’ Alliance at ilang personahe ang umano’y utak sa desperado at inimbentong mga akusasyon at isyu laban sa Pangulo, sa Team Pnoy at sa mga kandidato nito.
Ito ang naging paraÂtang ni Harvey Keh, lead convenor ng civil society group na Kaya Natin! Movement na nagsabi pa na ang UNA ang nasa likod ng mga demolition job laban sa Pangulo at sa mga kandidato ng Liberal Party-led coalition na Team Pnoy.
“Nagiging desperado na ang UNA. Nag-iimbento ng mga isyu at binubuhay ang mga luma at nangbibintang nang walang konkreto at matibay na katibayan,†sabi pa ni Keh.
Magkakarugtong anya at pulitika ang motibo sa mga akusasyong vote buying laban sa Kaya Natin! at sa administrasyong Aquino, panglalaglag sa ilang kandidatong senador ng ruling coalition at mga paratang laban sa Team Pnoy senatorial candidates na sina Bam Aquino at Chiz Escudero.
Pinuna ni Keh na ang mga negatibong publisidad laban kay Bam Aquino ay naglalayong hiyain ang Pangulo.
“Isa siyang Aquino at maganda ang lagay niya sa mga survey dahil sa kanyang track record na una naming nakita,†sabi ng civil society leader.
Ipinalalagay din ni Keh na bagaman hindi naendorso ng Kaya Natin! Si Escudero, ang mga atake sa personal na buhay nito ay maaaring kunektado sa mga bagay na may kinalaman sa panahong pagkatapos ng halalan ngayong 2013.
Kabilang si Escudero sa nasa listahan ni Keh ng mga posibleng kandidatong presidente sa taong 2016 na kinabibilangan din nina LP Secretary Mar Roxas at Sen. Kiko PangiÂlinan at mga lider ng UNA na sina Vice President Jejomar Binay at Sen. Jinggoy Estrada.
Ipinaliwanag ni Keh na ang halalan ngayong 2013 ay mahalaga sa halalang pampanguluhan sa 2016. “Hindi na ako nagtataka kung hinihila siya (Escudero) pababa. Ganyan kapag nangunguna ka. Bagaman hindi ito nakakaapekto sa kanyang tsansa. NanguÂnguna pa rin siya sa mga survey,†dagdag ni Keh.
Hindi rin iniaalis ni Keh na maaaring may kinalaman sa masamang publisidad laban kay Escudero ang samaan ng loob nito sa dati nitong kaalyadong si dating Pangulong Joseph Estrada.
Magkaalyado noong una ang dalawa hanggang sa suportahan ni Escudero si Aquino sa halalang pampanguluhan noong 2010 sa halip na si Estrada.
Kumakandidato ngaÂyon si Escudero sa ilalim ng Team Pnoy at tinanggal naman siya sa listahan ng guest senatorial candidate ng UNA.
Si Estrada ay isa sa pinakamataas na mga lider ng UNA na kinabibilangan din nina Vice President Jejomar Binay at Senate President Juan Ponce Enrile.
Butch Quejada

- Latest