^

Bansa

Talent fees ng movie, TV extras tataasan

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isa sa pinaka kawa­wang showbiz citizens sang-ayon kay senatorial candidate Migz Zubiri ay ang mga ekstra sa pelikula at telebisyon.

Kung sa mga bida ay sky is the limit ang talent fees na inaabot ng milyones sa isang buwan (sa TV series) at milyones pa rin bawat pelikula, ang mga ekstra na maghapon at magdamag nakababad sa set ay “starvation rate” ang tinatanggap na ilang daang piso lamang.

Kaya kung sakaling muling manalong senador ang batang Bukidnon, pag-aaralan niya at gagawa siya ng batas para sa standardization sa talent fees ng mga kawawang ekstra sa pelikula at TV.

Ilan sa mga batas na ginawa ni Zubiri na pro-poor ay ang Rent Control Law at ang AFP rate base pay increase.

“Milyones ang kinikita ng mga TV series sa isang episode bakit naman mas­yado nilang kinakawawa ang mga maliliit na ekstra? Dapat ang pinakamababang talent fee ng ekstra na 24 hours na nakababad sa set ay P600 at libre ang lunch, dinner, midnight snack at pati na sasakyan kung ang shooting o taping ay sa labas ng Metro Manila,” ani Migz.

BUKIDNON

DAPAT

ILAN

ISA

KAYA

METRO MANILA

MIGZ ZUBIRI

RENT CONTROL LAW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with