Gunigundo para sa maliliit na negosyante
MANILA, Philippines - Nangako si mayoralty candidate Adel Gunigundo sa maliliit na negosyante sa Valenzuela na ipapatupad niya ang RA 9178 o BMBE (Barangay Micro Business Enterprise law) upang bumaba ang business taxes na binabayaran ng mga negosyante na ang puhunan ay hindi lumalampas ng P3 milyon. Exempted sa income tax at business taxes ang magpaparehistro sa BMBE. Bukod pa rito papaiksiin din ni Adel Gunigundo ang proseso ng pagkuha ng Mayorâ€s permit. Kanya din ibabalik ang 20% Early Bird Discount para sa mga maagang magbabayad ng amilyar o real property taxes.
Sinabi ni Mrs. Gunigundo na kapag mababa ang buwis, lalago ang negosyo at magbubunga ito ng dagdag na trabaho sa mga mamamayan ng Valenzuela City. Ang kanyang programa para sa business sector at mga real property owners ay bahagi ng Valenzuela GETS More services program of Government na puno ng mga bagong ideya at solusyon sa mga suliranin ng mga taga Valenzuela. Naniniwala silang sisigla ang ekonomiya sa Valenzuela at magbubunga ng maginhawang buhay sa maraming tao.
- Latest