^

Bansa

Kilalang bilyonaryo wala sa top 10 taxpayers

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ipinaliwanag ni Bureau of Internal Reve­nue Commissioner Kim Henares na hindi na kasama ang mga kila­lang bilyonaryo sa bansa sa pagpa-file ng income tax returns kayat hindi sila kasama sa Top 10 sa may pinakamataas na binayarang buwis noong 2011.

Sinabi ito ni Henares bilang tugon sa mga kumukuwestyon kung bakit wala sa top 10 ang mga bilyonaryo sa bansa na limpak limpak ang kinikitang salapi taun-taon.

Ani Henares, hindi na kailangang maisama pa sa listahan ang mga bil­yonaryo dahil ang buwis sa mga kinita nito gaano man kalaki ay naisasama na sa kanilang witholding tax at hindi na kailangan pa ang mga itong maghain ng income tax returns.

Sa listahan ng BIR, na­ngunguna sa mga individual taxpayers noong 2011 si Kris Aquino na nagbayad ng halos P50M.

Gayunman, ang mall tycoon na si Henry Sy, Sr., may-ari ng SM at Banco de Oro na siya ring pinakamayamang indibidwal sa Pilipinas batay sa Forbes magazine ay pang-15 lamang sa BIR list habang ang kanyang anak na si Hans Sy ay pang-22 at pang 83 naman si Teresita Sy.

Ang isa pang bilyo­nar­yo na si Lucio Tan, ‘second richest’ sa Pilipinas batay sa Forbes magazine ay pang-35 na nagbayad ng P10.78 million income tax, mas mababa pa sa binayaran ng kanyang abugadong si Estelito Mendoza na pang-14 sa binayarang P17.63 million.

Ang iba pang business tycoons na sina Enrique Razon, Jr., kilalang shipping at hotel magnate na may yaman na $4.9 billion, Andrew Tan ng Megaworld Corp. at Emperador Distillers ($3.95 billion), George Ty ng Metrobank ($2.6 billion), Lucio at Susan Co ng Puregold ($2 billion), Robert Coyiuto, Jr. ng Oriental Petroleum and Minerals Corp. ($1.6 billion), Tony Tan Caktiong ng Jollibee Food Corp. ($1.4 billion), Andrew Gotianun ng Filinvest ($1.2 billion) at Roberto Ongpin ng Alphaland Corp. ($1.2 billion) ay wala sa BIR list.

vuukle comment

ALPHALAND CORP

ANDREW GOTIANUN

ANDREW TAN

ANI HENARES

BILLION

BUREAU OF INTERNAL REVE

EMPERADOR DISTILLERS

ENRIQUE RAZON

ESTELITO MENDOZA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with