Dagdag benepisyo sa War veterans inisnab ng Senado
MANILA, Philippines - Dismayado ang Kamara dahil sa hindi umano pagpansin ng Senado sa panukalang batas na sana’y magdodoble sa burial assistance ng mga war veterans at pamilya nito.
Sinabi ni Bataan Rep. Herminia Roman, chairperson ng House Committee on Veterans affairs and welfare, nakapasa na sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill 229 na gawing P20,000 mula sa P10,000 ang burial assistance at naiakyat na sa Senado noon pang 2011.
Subalit lumipas na ang ilang taong paggunita sa Araw ng Kagitingan ay nakatengga lamang ang counter-part measure na Senate Bill 2851.
Samantala kinilala naman ni House Speaker Feliciano Belmonte, Jr. ang kabayanihan ng mga beteranong nagbuwis ng buhay alang-alang sa bayan noong panahon ng digmaan.
Umaasa din si Belmonte na ang mga nakaligtas sa Death March noong 1942 na ngayon ay nasa kanilang katandaan na ay maging mabuting halimbawa at nakapagpakita ng kanilang kagiÂtingan at pagmamahal sa bansa para sa mga kabataan.
Nanawagan din si Belmonte na hindi sana matapos sa pasasalaÂmat lamang ang dapat na maipagkaloob sa mga beterano kundi ang maibigay sa kanila at kanilang pamilya ang maayos at masaganang buhay na higit na karapatdapat sa kanila.
Siniguro naman ni PaÂngulong Aquino ang karagdagang benepisyo sa mga beterano.
Wika ni PNoy, ang war veterans na may edad 70 pataas ay bibigyan ng karagdagang P1,700 kada buwan bukod sa kanilang pension bilang pagtanaw ng utang na loob sa kanilang pagsasakripisyo.
- Latest