PNoy, hindi pinagsabihan ng WHO sa kanyang paninigarilyo
MANILA, Philippines - Walang plano ang World Health Organization na pagsabihan si Pangulong Benigno Aquino III kaugnay sa pagiging smoker nito matapos siyang bigyan ng citation ng WHO kahapon dahil sa hakbang nito para sa kalusugan ng Filipino.
Sinabi ni WHO director Susan Mercado, binigyan nila ng recognition si Pangulong Aquino sa World Health Day dahil sa public policy ng gobyerno at concern sa kalusugan ng mamamayan.
“Our recognition of the President is for he is doing in public policy. And, as far as we are concerned, that is what is most important to us,†paliwanag pa ni Dr. Mercado.
Aniya, ito ang kauna-unahang citation na ipinagkaloob ng WHO kay Pangulong Aquino dahil sa kanyang programa sa kalusugan ng mamamayan na sang-ayon din sa policy ng WHO.
Unang kinilala ng WHO ang ina ni PNoy na si dating Pangulong Cory Aquino noong 1988 dahil sa health programs din nito.
- Latest