^

Bansa

Muntinlupa sikat na sa kursong teknikal

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Prominente na ang Muntinlupa City Government sa pagiging supplier ng mga technical at mga skilled workers sa bansa dahil sa mahuhusay na mga estudyanteng nagtapos ng mga short courses sa Muntinlupa City Technical Institute (MCTI).

Ayon kay Mayor Aldrin San Pedro, ito’y dahil sa magandang training na ibinigay sa mga mag-aaral na nag-aaral sa MCTI na sina-subsidize ng pamahalaang lungsod ng Muntinlupa.

“Maganda ang training ng estudyante ng MCTI kaya naman mataas ang job placement rating namin diyan, talagang mahuhusay naman sila kapag natapos nila ang kani-kanilang mga kurso,” pahayag ni San Pedro.

Nito lamang Biyernes, Abril 5, umabot sa 623 ang natapos ng mga iba’t short courses sa MCTI matapos ang tatlong buwan hanggang anim na buwang pag-aaral at training sa naturang technical school.

Sa kabuuan, umabot sa halos 20,000 ang nagtapos sa MCTI mula noong 2007 nang unang maupo bilang alkalde ng Muntinlupa City si San Pedro.

May dalawang uri ng kursong ibinibigay sa mga MCTI sa mga residente ng lungsod, una ang soft trades kung saan pinag-aaralan ito ng tatlong buwan at pati na rin ang audio-video technician, consumer electronics, cellphone repair, motorcycle repair, reflexology o massage therapy, beauty care, hairdressing, commercial cooking, bartending at iba pa. Ang hard courses naman ay pag-aaral ng anim na buwan at ang mga kursong ino-offer ay engine overhauling/underchassis/ automotive servicing, building wiring installation at electrical installation and maintenance (EIM).

 

ABRIL

AYON

BIYERNES

MAGANDA

MAYOR ALDRIN SAN PEDRO

MUNTINLUPA CITY

MUNTINLUPA CITY GOVERNMENT

MUNTINLUPA CITY TECHNICAL INSTITUTE

SAN PEDRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with