Dagdag umento hirit ng TUCP
MANILA, Philippines - Hiniling ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) ang dagdag na umento sa sahod ng mga minimum wage earner sa Metro Manila.
Ang 4 na pahinang peÂtisyon ay inihain ng TUCP sa NCR-Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) kahapon sa paÂngunguna nina TUCP Pres. Vic Balais at TUCP Partylist Rep. Raymond Mendoza.
Sa naturang petisÂyon, kanilang hiniling ang karagdagang P85 para sa arawang kita ng mga kawani sa National Capital Region.
Pinaliwanag ni Balais na napapanahon na ang pagtataas sa suweldo ng mga karaniwang manggagawa para sa taong ito upang makasabay sila sa patuloy na tumataas na presyo ng mga pangunahing paÂngangailangan sa araw-araw.
Pinaliwanag naman ni Eva Arcos, executive director ng TUCP workers college na ang isang pamilya na may 6 na miÂyembro ay kailangan ng halos P1,022 bawat araw upang mabuhay nang disente, na taliwas sa kasalukuyang minimum wage rate sa Metro Manila na P456.
Noong nakaraang taon ay humirit ng P90 wage increase ang TUCP sa NCR wage board ngunit P30 lamang ang naaprubahan na hinati pa sa dalawang bahagi.
Sa kasalukuyan ay aabot sa P456 ang araÂwang sahod ng mga minimum wage earners sa Metro Manila.
Iginiit naman ng MaÂlacañang na ang Regional Wage Board ang magtatakda kung magkano ang aaprubahan nilang wage increase at hindi si Pangulong Aquino.
- Latest





















