^

Bansa

Holy Week attack ‘di amin - NPA

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Itinanggi ng New People’s Army (NPA) na may kinalaman sila sa pag-atake sa isang prusisyon noong Biyernes Santo sa Butuan City kung saan ay dalawang miyembro ng Cafgu ang nasawi.

Sinabi ni Jorge Madlos, spokesman ng National Democratic Front (NDF)-Mindanao, mahigpit na pinabubulaanan ng kilusang rebolusyonaryo ang anumang kaugnay sa nasabing pag-atake.

Iginiit pa ni Madlos alyas “Ka Oris”, walang anumang deployment ang NPA sa Butuan City noong Biyernes Santo upang magsagawa ng anumang operasyon.

“I think it’s a mis-encounter between the Special Forces of the Philippine Army, the militiamen and the policemen. I called up our field commanders and they said they did not deploy any force in the area,” paliwanag ni Ka Orist.

Nilinaw pa ni Madlos, hindi makakapaglunsad ng anumang opensiba ang NPA sa pinangyarihan ng insidente dahil ito ay malapit mismo sa isang kampo militar.

BIYERNES SANTO

BUTUAN CITY

CAFGU

JORGE MADLOS

KA ORIS

KA ORIST

MADLOS

NATIONAL DEMOCRATIC FRONT

NEW PEOPLE

SPECIAL FORCES OF THE PHILIPPINE ARMY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with