^

Bansa

JI, Sayyaf nagre-recruit sa internet

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagpahayag ng pagkaalarma kahapon ang Estados Unidos sa laganap na pagre-recruit ng Jemaah Islamiyah (JI) terrorist at mga kaalyadong bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) sa Mindanao sa pamamagitan ng social networking site tulad ng Facebook at iba pa.

“Jemaah Islamiyah and the ASG are using the internet, of all parts of social media to propagate lies and to recruit, and we have to find ways to social media to combat that and that’s usually through education”, ayon kay US Ambassador Harry­ Thomas Jr. sa ginanap na Security and Defense Kapihan sa Embahada sa Defense Press Corps.

Ang JI terrorist ay ang Southeast Asian terror network na naitatag ni Osama bin Laden, ang lider ng Al Qaeda na napatay ng US commandos sa Afgha­nistan may ilang taon na ang nakalilipas.

Sinabi ni Thomas na nakababahala ang nasabing recruitment ng magkaalyadong teroristang grupo dahil maraming inosente na hindi naman ipinanganak na mga te­rorista ang nalilinlang ng mga ito para sumapi sa kanilang grupo.

Sinabi naman ni US Navy Captain David Cole, Deputy Commander ng JSOTF Philippines na nasa paligid-ligid lamang ang Sayyaf sa Min­danao at nanatili ang mga itong banta sa seguridad hang­ga’t hindi nalilipol ang puwersa.

Una ng sinabi ng mga opisyal ng AFP na nanlulupaypay na ang mga bandido at wala ng kakayahan pa na makapag­lunsad ng terorismo.

 

ABU SAYYAF GROUP

AL QAEDA

AMBASSADOR HARRY

DEFENSE PRESS CORPS

DEPUTY COMMANDER

ESTADOS UNIDOS

JEMAAH ISLAMIYAH

NAVY CAPTAIN DAVID COLE

SECURITY AND DEFENSE KAPIHAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with