^

Bansa

Pirma na lang ni PNoy ang kulang, absentee voting sa media pinamamadali sa Senado

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nanawagan ang lide­rato ng Kamara sa Senado na lagdaan na ang panukalang absentee vo­ting para sa mga miyembro ng media.

Ayon kay House Ma­jority Leader Neptali Gonzales II, ito ay upang magkaroon pa ng sapat na panahon ang Commission on Elections (Comelec) na makapaglatag ng implementing rules.

Paliwanag pa ni Gonzales, February 14 pa nila naisumite sa tanggapan ni Pangulong Aquino ang niratipikahang bersyon ng Kamara at mayroon na lamang hanggang March 16 ang Pangulo para lagdaan ito.

Paliwanag pa ng mam­babatas na kung hindi malalagdaan ni PNoy hanggang March 16 ang ratified version ay otomatiko na itong magiging batas.

Sa ilalim ng inaprubahang panukala, ang mga taga media ay papayagan nang makaboto kahit labas sa lugar kung saan sila rehistradong botante kung sila ay naka-duty sa mismong araw ng eleksyon.

Subalit limitado lang sa national positions ang kanilang maaring iboto kasama na ang partylist.

AYON

COMELEC

GONZALES

HOUSE MA

KAMARA

LEADER NEPTALI GONZALES

NANAWAGAN

PALIWANAG

PANGULONG AQUINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with