^

Bansa

P2.5-M puslit na bangus nasamsam

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Muli na namang na­kakumpiska ng mga kontrabando na kinabibilangan ng mga isdang bangus na nagkakahalaga ng P2.5 million  ang mga tauhan ni Bureau of Customs (BoC) Commissioner Ruffy Bia­zon matapos na magsagawa ang mga ito ng inspection sa warehouse ng dalawang cargo company sa Pasay City noong Sabado ng hapon.

Base sa  isinumiteng report  kay Biazon  nina  NAIA District Commander Marlon Alameda at Assistant Chief and Investigation Customs Police Byron Carbonell, ng BoC, Task Force React, nakasamsam sila ng kahung-kahong illegal na  kargamento na naglalaman ng  mga isdang bangus.

Lumabas sa report, dakong alas-4:42 ng hapon ay nagsagawa ng inspection ang mga tauhan ni Biazon, na pinangungunahan nina Alameda at Carbonell sa warehouse ng Pair Cargo at nakumpiska dito ang 88 kahong mga isdang Ba­ngus, na ibiniyahe  sa Flight SQ916 at ang 61 kahon naman ay isinakay mula sa Flight CX905.

Mula sa warehouse ng naturang cargo company, nagsagawa rin ng inspection ang mga tauhan ni  Biazon sa warehouse naman ng Miascor Cargo at nasamsam dito ang ilan pang kahon ng illegal na kargamento kung saan ang kabuuang bilang ng mga kahon na naglalaman ng mga isdang bangus ay nasa 210, na tinatayang nagkakahalaga ng P2.5 million.

Sa isinagawang be­repikasyon ng mga taga- BoC, napag-alaman na walang permit mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang naturang mga kargamento.

Dahilan upang ka­agad itong kumpiskahin ng mga tauhan ni Biazon at inaalam pa ang mga pangalan ng consignee nito, na nakatakdang sampahan ng paglabag sa Section 2530 of the TCCP as amended in Republic Act 8550, Fishe­ries Code of 1998.

ASSISTANT CHIEF AND INVESTIGATION CUSTOMS POLICE BYRON CARBONELL

BIAZON

BUREAU OF CUSTOMS

BUREAU OF FISHERIES AND AQUATIC RESOURCES

COMMISSIONER RUFFY BIA

DISTRICT COMMANDER MARLON ALAMEDA

MIASCOR CARGO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with