Mayor Co kinasuhan sa Aman Pyramiding scam
MANILA, Philippines - Ipinagharap ng kasong syndicated estafa ng Department of Justice (DOJ) sa korte si Pagadian Mayor Samuel Co kaugnay sa investment scam ng Aman Futures.
Kinumpirma kahapon ni Justice Secretary Leila de Lima na sinampahan na ng National Prosecution service ng kaso si Co sa Iligan City Regional Trial Court batay na rin sa reklamong inihain ni Julius Labunog at ng iba pang complainant na nagpasok ng P29.6 milyon na investment sa Aman Futures mula Agosto 22 hanggang Setyembre 17, 2010.
Batay umano sa findings ng special panel of proÂsecutor, may mga indikasyon na si Co ay hindi lamang investor ng Aman Futures kundi naging ahente rin ng kumpanya.
Kasama rin sa mga ipinagharap ng kaso ang misis nito at sina Manuel Amalilio, Fernando Luna, Lelian Lim Gan, Eduard Lim, Wialnie Fuentes, Naezelle Rodriguez at Lurix Lopez, gayundin ang asawa ni Amalilio na si Abigail Pendulas.
Hindi naman kasama sa kinasuhan si Jorino Ledesma, diumano’y private pilot ni Amalilio, dahil hindi umano nakitaan ng DOJ ng probable cause para idawit siya sa kaso.
- Latest