^

Bansa

Mga Pinoy sa Sabah ginugulpi, pinatatakbo saka binabaril!

Ellen Fernando/Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sinisipa, ginugulpi at pinatatakbo saka umano binabaril ng Malaysian forces ang mga Pinoy sa Sabah sa isinasagawang crackdown laban sa Sulu Royal Army ni Sultan Jamalul Kiram III.

Ayon sa mga nagsida­tingang Pinoy sa Tawi-Tawi mula Sandakan, Sabah, isa-isang pinapasok ang kani-kanilang bahay ng mga Malaysian military saka puwersahang pinala­labas.

Iniipon umano ang mga kalalakihan at kababaihan at lahat ng mga lalaki ay kinakaladkad palabas sa kanilang bahay, pinagsisipa, ginugulpi at ang iba ay pinatatakbo pa ng mabilis saka sila binabaril. 

Bagaman ipinapakita ng mga Pinoy ang kanilang immigration papers ay binabaril at pinapatay pa umano ang mga ito ng mga sundalong Malaysian.

Mahigit 400 Pinoy na karamihan ay mga bata at kababaihan ang sunud-sunod na nagsilikas mula Sandakan, Lahad Datu, Semporna, Tawau at Kunak sa Sabah at dumating kamakalawa sakay ng mga bangka sa Tawi-Tawi at Sulu.

Bunsod nito, pinag-iisi­pan na ng lokal na pamahalaan ng Tawi-Tawi at karatig bayan na magdeklara ng state of cala­mity upang mabigyan ng assistance ang mga Pinoy na nagsisitakas at nagsisilikas sa Sabah.

Hiniling na ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa note verbale nito sa Malaysian government na dapat ay tratuhin ng makatao ang mga Filipino kahit ang mga tauhan ni Sultan Kiram na nagtu­ngo sa Sabah na armado upang igiit ang kanilang paniniwalang pag-aari nila ang Sabah.

Humiling na rin ang DFA ng “full access” sa mga inarestong Pinoy upang mabigyan ng consular assistance.

Umaasa ang Palasyo na magiging makatao ang Malaysian government sa gagawing pagtrato sa mga Filipino na naroroon lalo na ang mga wala namang kinalaman sa grupo ni Kiram na sumugod sa Sabah.

 

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

LAHAD DATU

PINOY

SABAH

SANDAKAN

SULTAN JAMALUL KIRAM

SULTAN KIRAM

TAWI-TAWI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with