^

Bansa

6 babae sa Senado iboto-Miriam

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Upang magkaroon ng “gender equality”, hinikayat ni Sen. Miriam Defensor-Santiago ang mga botante na ihalal ang 6 babaeng kumakandidato para sa pagka-senador.

Iginiit din ni Santiago na pagdating ng 2016, dapat ng magkaroon muli ang bansa ng babaeng presidente.

Ginawa ni Santiago ang pahayag sa 5th Filipino Entrepreneurship Summit na dinaluhan ng nasa 3,000 kababaihan kahapon sa World Trade Center, Pasay City. 

Ayon aniya sa National Statistical Coordination Board, sa nakaraang 2010 elections, nasa 21.4 porsiyento lamang ang nahalal na babae.

Ipinunto pa ni Santiago na sa 15 naging pangulo ng bansa, dalawa lamang sa mga ito ang babae.

Iginiit din ni Santiago na dapat ng pairalin sa bansa ang “quota system” para sa mga kababaihan sa public service na pinaiiral na sa ibang bansa katulad ng South Africa, India, Finland, Argentina, at France,” ani Santiago.

 

AYON

FILIPINO ENTREPRENEURSHIP SUMMIT

GINAWA

IGINIIT

IPINUNTO

MIRIAM DEFENSOR-SANTIAGO

NATIONAL STATISTICAL COORDINATION BOARD

PASAY CITY

SOUTH AFRICA

WORLD TRADE CENTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with