^

Bansa

‘Suhol’ ng mining firm sa Army inamin

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ikinagimbal ni Bayan Muna Rep. Neri Colmenares ang pagtatapat ng Philippine Army at ng alkalde ng Kiblawan, Davao del Sur na ang SMI-Xstrata ay nagbibigay sa Armed Forces of the Philippines ng mula P170,000 hanggang P850,000 buwan-buwan para sa pagpapadala ng mga sundalo ng Army at ng elemento ng CAFGU sa mga lugar na merong pagtututol sa SMI mi­ning.

Ang pagtatapat nina Col. Flores, hepe ng 39th IB ng PA, at Kiblawan Mayor Marivic Diamante sa isinagawang pagdinig ng Kongreso sa Koronadal kamakalawa hinggil sa pagkakapaslang sa anti-mining activist na si Juvy Capion at dalawa nitong anak na lalake sa Kiblawan noong nakaraang taon.

“Lumabas na ang totoo. Ito ang paliwanag kung bakit gustong sugpuin ng Army at ng CAFGU nito ang mga tumututol sa minahan dahil mawawalan sila ng milyones kapag nahinto ang operasyon ng SMI-Xstrata,” paliwanag ni Colmenares. “Ibinun­yag ni Gen. Flores sa aming pagtatanong na 60 CAFGU ang tumatanggap ng tig-P2,500 bawat isa o P150,000 bawat buwan at regular na gasoline allo­wance mula sa SMI-Xstrata. Si Mayor Diamante na tahasang sumusuporta sa SMI mining nang hindi pinag-iisipan ang implikasyon ay nagsiwalat na ang SMI ay naglalaan ng P7,500 sa bawat isa sa 12 CAFGU para sa kabuuang P850,000 bawat buwan. Kaya hinahabol ng AFP ang mga anti-mining activist. Kasabwat ang SMI-Xstrata officials sa pagpatay kay Capion,” sabi ni Colmenares sa isang pahayag.

Ang nabanggit na pagdinig ay isinagawa ng Committee on Cultura Communities ng House of Representatives na pinangunguluhan ni Rep. Teddy Baguilat dahil sa isang resolusyong inihain ni Rep. Luz Ilagan para alamin kung nakagawa ng masaker o hindi ang Army.

“Ang unang isyu ay kung ligal ba ang pagpopondo ng SMI sa Army o isa itong anyo ng pa­nunuhol sa public official. Ang Kongreso ay naglalaan ng badyet para sa CAFGU bawat taon. Bakit kailangang kumuha ng pondo mula sa mga pribadong kumpanyang nagnenegosyo sa lugar? Dahil sa diperensya sa mga halagang ibinibigay at sa bilang ng CAFGU na sinusuportahan ng SMI, dapat tignan ng COA kung paano ipinapalabas ang pondong ito,” sabi pa ni Colmenares.

Hindi rin anya dapat tumatanggap ng pera mula sa SMI ang pamahalaang lokal dahil me­ron itong kinalaman sa pagbibigay ng permiso o pag-apruba sa mining operation ng SMI.

 

vuukle comment

ANG KONGRESO

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

BAYAN MUNA REP

COLMENARES

CULTURA COMMUNITIES

HOUSE OF REPRESENTATIVES

JUVY CAPION

SMI

XSTRATA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with