^

Bansa

Sustento sa iniwang pamilya tututukan sa Senado ni Villar

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sakaling palarin na manalong senador, pagtutuunan ng pansin ni dating Las Piñas Rep. Cynthia Villar ang probisyon sa Family Code ukol sa ‘di makatwirang pag-iwan ng mga lalaki sa kanilang mga misis at anak o katulad ng mga kasong ito.

Iginiit ni Villar, popular sa bansag na Misis Hanep Buhay, ang pagkakaroon ng simpleng mekanismo para obligahin ang isang mister na patuloy ang pagbibigay ng suporta sa iniwang pamilya na hindi na kakailanganin pang maghain ng kaso sa korte.

Aniya, masyadong matagal at magastos kung idadaan pa sa korte para obligahin ang nang-iwang mister para ipagpatuloy ang sustento sa kanyang pamilya.

“Tiyak na karagdagang pasanin ito ng mga misis. Isipin na lang natin ang mental at emosyonal na pagdurusa ng isang misis  bukod sa pagod sa pag-aalaga sa kanilang mga anak,” dagdag pa ni Villar.

 

ANIYA

CYNTHIA VILLAR

FAMILY CODE

IGINIIT

ISIPIN

LAS PI

MISIS HANEP BUHAY

SAKALING

TIYAK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with