Yaman ni Amalilio pinigil
MANILA, Philippines - Nasa freeze order na ang mga asset o pag-aari ni Manuel Amalilio sa Malaysia.
Ayon kay Justice Secretary Leila de Lima, hindi na maaaring galawin ng tinuturong utak sa P12-billion pyramiding scam na si Amalilio ang kanyang mga kayamanan sa Malaysia.
Sinabi ni de Lima, na iyon ay isa sa mga positibong development makaraan ang pakikiÂpag-usap ng Pilipinas sa mga otoridad sa Malaysia partikular na kay Attorney General Tan Sri Gani Patail.
Si Justice UndersecÂretary Jose Vicente SaÂlazar ang kumatawan sa PiÂÂlipinas sa nasabing pag-uusap katuwang si Ambassador Eduardo MaÂlaya.
Isinagawa aniya ang pagpupulong noong PebÂrero 6 sa Kuala Lumpur kung saan agad na iniutos ng attorney general ng Malaysia ang pagsasailalim sa freeze order ng mga asset ni Amalilio.
Sinabi ni de Lima na isa iyon sa mga pormal na hiniling ng Pilipinas sa Malaysia na isinakatuparan sa ilalim na rin ng umiiral na ASEAN Mutual Legal Assistance Treaty.
Napag-usapan din sa nasabing pagpupulong na maaring ma-extradite sa Pilipinas si Amalilio kahit hindi pa nito nabubuno nang buo ang dalawang taong pagkabilanggo na ipinataw sa kanya ng mga otoridad sa Malaysia.
Hindi rin umano magiging isyu ang citizenship ni Amalilio sa pagproseso ng kanyang extradition.
Sabi naman ni Presidential Spokesperson AbiÂgail Valte, hindi pa rin pakikialaman ni PaÂngulong Aquino ang pagÂpapauwi sa bansa ni Amalilio.
Sa halip na makipag-usap sa Prime Minister ng Malaysia para mapaÂbalik sa bansa si Amalilio, sinabi ni Valte na mas binibigyang laya pa rin ng Pangulo ang DFA at DOJ na resolbahin ang usapin.
Maging ang DILG ay tumutulong din umano sa nasabing isyu.
Nauna rito hinimok ng mga bumisitang Malaysian parliamentarians ang Pangulo na hikayatin si Prime Minister Razak para maibalik sa bansa si Amalilio. (Doris Borja/Malou Escudero)
- Latest