^

Bansa

‘Pag may foul play sa pagkamatay ng witness sa Ortega case BJMP officers, personnel kakasuhan, sisibakin!

Joy Cantos, Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kakasuhan at agad sisibakin sa serbisyo ang sinumang opisyal at tauhan ng Bureau of Jail Ma­nagement (BJMP) kapag napatunayang may foul play o cover-up sa kaso ng pagbibigti umano ng suspect na testigo sa kaso ng ambush-slay sa brodkaster na si Gerardo “Doc Gerry­“ Ortega.

Ito ang tiniyak kahapon ni DILG Secretary Mar Roxas II matapos na makarating sa kaniyang kaalaman ang pagsigaw ng foul play ng pamilya ng witness na si Dennis Aranas.

Si Aranas, ayon sa follow-up investigation ng pulisya ay natagpuan umanong nakabigti sa loob ng selda nito sa Quezon District Jail sa Lucena City bandang alas-10 ng umaga noong Martes.

Ayon sa Kalihim, intresado rin siyang malaman kung bakit hindi na­bigyan ng pagkakataon ang Scene of the Crime Operatives (SOCO) ng PNP na siyasatin ang kri­men, o ang pagkamatay ni Aranas at ang lugar kung saan ito natagpuang patay.

Base sa report ni Jail Chief Supt. Diony Mamaril, officer-in-charge ng BJMP, kinumpirma sa autopsy report ng Me­­dico Legal Officer ng National Bureau of Investigation (NBI) na nasawi sa asphyxia o pagbibigti si Aranas. Si Aranas ang uma­no’y nagsilbing look­ out sa krimen.

 

ARANAS

BUREAU OF JAIL MA

DENNIS ARANAS

DIONY MAMARIL

DOC GERRY

JAIL CHIEF SUPT

LEGAL OFFICER

SHY

SI ARANAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with