Secondary roads sa EDSA rehab tukuyin na - Haresco
MANILA, Philippines - Dapat nang simulan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at Metro Manila Development Authority (MMDA) ang pagtukoy, paglilinis at pagsasaayos ng mga secondary roads na magsisilbing major routes kapag inumpisahan na ang rehabilitasyon ng EDSA (Epifanio De los Santos Avenue).
Pinuri ni Kasangga Partylist congressman at Aklan congressional aspirant Teodorico “Nonong†Haresco, ang P3.4 billion plan na gawing world-class highway ang EDSA.
Gayunman, tiyak anÂyang lilikha ito ng matinÂding trapik kaya dapat siguruhin na ang mga secondary roads na gagamitin bilang alternative routes ay walang naka-park na mga sasakyan, hindi gagawing babaan at sakayan ng mga PUVs at aspaltado. Dahil kung hindi ay panibagong trapik lang ang idudulot nito.
Umapela rin si Haresco sa mga motorista na dagdagan ang pasensiya.
Pinuri rin ni Haresco si MMDA Chairman Francis Tolentino sa pagsusumikap nitong disiplinahin ang mga bus driver na regular na bumibiyahe sa EDSA. Ngunit naniniwala pa rin ang kongresista na ang pagbabawas ng bilang ng mga bus at pagpapalapad ng daan ang solusyon sa trapik sa EDSA.
“If what is planned is anything less than a comprehensive rehabilitation, then you’re just essentially repaving the road. That would be a waste of money because in a few years, with the number of new vehicles on the road, you’ll have a worse problem than before,†sabi ni Haresco.
- Latest



















