Political asylum sa Syrian president itinanggi ng DFA
MANILA, Philippines - Pinabulaanan kahaÂpon ng Department of FoÂreign Affairs (DFA) na posibleng sa Pilipinas luÂlungga ang Pangulo ng Syria matapos na maiulat na humihiling umano siya ng political asylum at tulong pinansyal sa pamahalaan.
Ang paglilinaw ay inihayag ni Foreign Affairs Spokesman Raul Hernandez matapos na maiulat ang umano’y paglapit at paghingi ng tulong sa Pilipinas ni Syrian PreÂsident Bashar Al-Asad (Assad) na pinatatalsik ng kanyang mga mamamayan dahil sa patuloy na karahasan at patayan sa nasabing bansa.
Sinabi ni Hernandez na bagaman nagkaroon ng pagpupulong sa pagitan nina Pangulong Aquino at adviser ni Assad na si Bouthaina Shaaban at iba pang opisyales ng DFA ay tinalakay lamang ang mga posibleng solusyong pulitikal sa hindi matapos-tapos na civil war sa Syria sanhi ng pagkasawi na ng libu-libong Syrian kung saan naapektuhan din ang may 7,000 overseas Filipino workers na isinailaÂlim sa mandatory repatriation ng pamahalaan.
Kinumpirma ni Hernandez na may ipinaabot si Asaad na “personal letter†nito para kay PaÂngulong Aquino pero hindi binanggit ang nilalaman.
Personal namang nag pasalamat si P-Noy kay Asad sa pamamagitan ni Shaaban sa kanilang pagpupulong dahil sa ibinibigay na assistance ng Syrian government sa repatriation ng mga Pinoy at sa kanilang kaligtasan habang nagpapatuloy ang bakbakan sa nasabing bansa.
- Latest