^

Bansa

Turn-over ng AFP command naging comedy

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Naging comedy ang nangyaring turn-over of command sa liderato ng Armed Forces of the Philippines (AFP) matapos ma-”wow mali” si outgoing AFP chief Jesse Dellosa nang tawagin nitong Paquito Diaz si Executive Secretary Pa­cquito Ochoa Jr.

Nagtawanan ang mga dignitaries sa stage sa Camp Aguinaldo kabilang sina Pangulong Aquino at Ochoa.

Nagkamali si Gen. Del­losa sa kanyang speech nang matawag niyang Pa­quito Diaz si ES Ochoa sa kabila na may prepared speech ito.

Nang maramdaman ni Dellosa na mali ang kan­yang nasabi ay big­lang nasabi na lamang nito na “mali ata”.

Nagretiro na si Dellosa matapos na abutin nito ang mandatory re­tirement age na 56 at ang pumalit naman sa kanya ay si inco­ming AFP chief Lt. Gen. Emmanuel Bautista na commanding general ng Philippine Army (PA).

Umaasa naman ang Pangulo na sa ilalim ng liderato ni Gen. Bautista ay lalong mananatili ang dignidad at dedikasyon sa pagsisilbi sa taumbayan ang mga sundalo upang makamit ang mi­nimithing kapayapaan.

Nanawagan naman si Gen. Bautista hindi la­­mang sa mga sundalo kundi sa taumbayan na tulungan ang AFP sa pag­sisikap nito na ma­tuldukan na ang rebel­yon sa bansa upang tu­­luyang makamit ang kapaya­paan.

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

BAUTISTA

CAMP AGUINALDO

DELLOSA

EMMANUEL BAUTISTA

EXECUTIVE SECRETARY PA

JESSE DELLOSA

OCHOA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with