Halal industry nais paunlarin ni JV
MANILA, Philippines - Nais ni San Juan Representative JV Ejercito Estrada na mapaunlad ang lokal na halal industry sa bansa dahil makatutulong aniya ito upang mabigyan pa ng mas maraming livelihood opportunities ang mga mamamayan sa Mindanao na sinalanta kamakailan ng bagyong Pablo.
Kaugnay nito, hinimok ni Estrada ang pamahalaan na pabilisin ang pag-develop ng roadmap na siyang tutukoy sa mga istratehiya na magpapaunlad sa lokal na industriya ng halal sa bansa. Iginiit ng mambabatas na ang Mindanao ay ‘strategically located’ at madaling makapag-export ng halal products sa mga kalapit nitong Southeast Asian countries tulad ng Malaysia at Indonesia, kung saan matatagpuan ang malaking bilang ng populasyon ng mga Muslim.
- Latest