^

Bansa

‘Online appointment system’ gamitin - POEA

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hinimok ng Philippine Overseas Employment Administration ang mga Balik-Manggagawa (BM) o mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na magbabalik na sa kanilang trabaho sa ibayong dagat na gamitin o i-avail ang online appointment system ng POEA para sa pagproseso ng kanilang exit clearance o Overseas Employment Certificate (OEC).

Ang payo ni POEA Administrator Hans Leo J. Cacdac ay kasunod nang inaasahang pangingibang-bansa muli ng mga OFWs na sa Pilipinas nagdiwang ng Holiday Season.

Ayon kay Cacdac, mas mainam gamitin ang online appointment system upang hindi na mahirapan ang mga OFWs sa pag-aasikaso ng kanilang mga kinakailangang dokumento sa pagbabalik-trabaho.

Ang naturang Internet-based facility na binuksan ng POEA noong nakaraang taon ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga nagbabakasyong OFWs o BM na magtakda ng appointment para sa pagpu-proseso ng kanilang OEC online o gamit ang internet.

Ayon sa POEA, ang libreng serbisyo ay maaa­ring mai-avail sa site na http://bmappointment.poea.gov.ph/.

Ang naturang site ay may checklist ng requirements (all original) na kinabibilangan ng Passport, na balido ng anim na buwan mula sa petsa ng departure, Valid Work Visa / Work Permit o Equivalent Document, Proof of Employment returning to same employer (e.g., Employment Contract, Certificate of Employment/Company ID/Pay slip).

Mayroon rin listahan ng mga fees na dapat na bayaran tulad ng POEA Processing Fee, P100 per e-Receipt / OEC, OWWA Membership Contribution, 25 USD (in peso equivalent) per contract coverage, PhilHealth contribution, P1,200 one-year coverage, Pag-IBIG contribution, na may P100 minimum amount kada buwan.

 

ADMINISTRATOR HANS LEO J

AYON

CACDAC

CERTIFICATE OF EMPLOYMENT

EMPLOYMENT CONTRACT

EQUIVALENT DOCUMENT

HOLIDAY SEASON

MEMBERSHIP CONTRIBUTION

OVERSEAS EMPLOYMENT CERTIFICATE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with