Naputukan lumobo sa 1,130
MANILA, Philippines - Umaabot na sa 1,130 katao ang mga biktimang nasugatan kaugnay ng pagsalubong sa Bagong Taon.
Sa ulat ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director Benito Ramos kahapon, pinakamarami sa Metro Manila na tumaas na sa 390 katao kung saan ang mga nasugatan ay naka-confine sa may 21 hospital sa National Capital Region.
Nalagpasan ng nasabing bilang ang 1,021 naitalang nasugatan sa paputok noong nakalipas na taon.
Sa lalawigan ay umabot na sa 740 ang biktima kung saan pinakamarami sa Region 1 na naitala sa 273; sinundan ng Region III na umabot sa 133; habang 91 sa Region IV-A; 50 sa Region IX; 47 sa Region II; 45 sa Region VI; 24 sa Region V; 23 sa Cordillera habang hindi aabot sa 10 ang mga nabiktima sa Region VIII, Region X, Region X1, at Autonomous Region in Muslim Mindanao.
- Latest