Modified truck ban palalawigin
MANILA, Philippines - Dahil sa magandang epekto sa pagpapaluwag sa daloy ng trapiko, maaaring palawigin pa ng Metropolitan Manila Development Autho rity (MMDA) ang implementasyon ng “modified truck ban”.
Sinabi ni MMDA Chairman Francis Tolentino na posibleng hindi pa nila itigil ang implementasyon nito kahit na inisyal na hanggang Enero 6 lamang epektibo ang modified truck ban.
Sa ilalim nito, ipinagbabawal ang pagbiyahe sa mga pangunahing lansangan ng lahat ng uri ng trak mula alas-6 hanggang alas-10 ng umaga at alas-5 hanggang alas-10 ng gabi habang total ban naman sa EDSA mula Magallanes hanggang Trinoma Mall sa Quezon City. Hindi naman kasama rito ang mga trak na may dalang nabubulok o nasisirang produkto.
Sinabi ni Tolentino na patuloy ngayon ang konsultasyon nila sa Metro Manila Council (MMC) partikular kay Quezon City Mayor Herbert Bautista, chairman ng Special Traffic Committee (STC) ukol sa ekstensyon ng modified truck ban.
Sinabi pa nito na kung maitutuloy ito, magtutuluy-tuloy ang mas maluwag na daloy ng trapiko kasabay ng implementasyon nila ng “bus segregation scheme” sa EDSA.
- Latest