^

Bansa

Pulis na nagpaputok ng nakumpiskang firecrackers pinaiimbestigahan ng PNP

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinaiimbestigahan na ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Alan Purisima ang napaulat na ilang pulis umano kabilang ang ilang opisyal ang nagsindi ng mga nakumpiskang paputok sa mga vendors na ginamit ng mga ito sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Ayon kay Purisima, na­karating na sa kaniyang tanggapan ang nasabing ulat na masusi niyang ipinasisiyasat upang mabatid ang katotohanan sa gitna ng mga alegasyong ito laban sa PNP.

Sinabi ni Purisima na sinumang pulis na ma­patunayang guilty ay isasalang sa summary dismissal sa kasong admi­nistratibo at madi-dismis sa serbisyo.

Nakikipagkoordinas­yon na rin si Purisima sa ilang media network na maaring nakakuha ng footage sa mga pulis na nagpapaputok ng mga nasamsam na paputok at pyrotechnics sa mga vendor.

Una nang inutos ni Purisima ang malawakang crackdown kontra bawal na paputok upang maiwasang makapinsala at makasugat lalo na ng mga inosenteng sibilyan.

Inihayag pa ni Purisima na malinaw naman na itinuro sa mga pulis ang tamang pagsira ng mga makukumpiskang illegal na paputok sa mga vendors na isasagawa ng hindi ito sisindihan kundi ilulublob sa tubig upang hindi na magamit pa.

vuukle comment

AYON

BAGONG TAON

CHIEF DIRECTOR GENERAL ALAN PURISIMA

INIHAYAG

NAKIKIPAGKOORDINAS

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

PINAIIMBESTIGAHAN

PURISIMA

SINABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with