^

Bansa

Mag-aasawa ‘pag di na Presidente… Pnoy ‘zero ang love life’

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Naging ‘malamig’ umano ang isinagawang pagdiriwang ng Pasko ng  Pangulong Benigno Aquino III kahapon bunsod ng pagiging ‘zero lovelife’ parin sa kasalukuyan.

Pero ipinangako ng Pangulo sa mga reporters ng Palasyo na sa pagtatapos ng kanyang termino sa 2016 ay mag-aasawa na siya at kumbidado niya ang mga mamamahayag sa Malakanyang.

Magugunita noong Oktubre, muling ikinumpara ng Pangulo ang kanyang ‘love life’ sa ‘sugar-free cola’ sa pagsasabing “still zero.”

Sa unang bahagi ng taon, nabansagang “from Coke Zero to kimchi” ang ‘love life’ ng bachelor President matapos magkaroon ng panandaliang “romansa” sa Korean TV personality na si Grace Lee.

Kabilang sa mga naunang naka-date ng Pa­ngulo sina celebrity stylist Liz Uy, stockbroker Len Lopez at Valenzuela City councilor Shalani Soledad na ikinasal na kay Pasig City Rep. Roman Romulo.

Sa pakikipagkuwentuhan sa mga miyembro ng Malacañang Press Corps, sinabi ng Pangulo na kasama ulit siya sa tinaguriang ‘Samahan ng mga Malalamig ang Pasko’ at arrozcaldo lamang ang magpapainit sa kanya ngayong holidays.

Pero sa edad na 52, hindi pa naman sumusuko ang Pangulo at katunayan nangangarap pa rin itong magkaasawa at magkaroon ng hanggang limang anak kung kakayanin.

“The last time I answered that question, I said that for the woman that I will be proposing marriage to—if there is such a lady. If I were to say honestly what’s on my mind that would be disincentive for the woman to get married because I really want a family the same size as the family that I grew up with. Parang may balance with five. But five will be too much now for any woman that I’ll be courting at this point. So can I just answer the question but that number is negotiable—especially for the person who will be bearing the children,” sabi ng Pangulong Aquino.

COKE ZERO

GRACE LEE

IF I

LEN LOPEZ

LIZ UY

PANGULO

PANGULONG AQUINO

PANGULONG BENIGNO AQUINO

PASIG CITY REP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with