6 na ambassador lusot sa CA
MANILA, Philippines - Anim na ambassador ang kinumpirma ng Commission on Appointments (CA) kabilang ang bagong envoy ng Pilipinas sa China na si Ambassador Erlinda Basilio.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), agad na lumusot sa CA si Basilio bilang Chief of Mission, Class I at Ambassador Extraordinary and Plenipotentiary sa People’s Republic of China kasunod ng ilang linggong pagkakatalaga sa kanya ni Pangulong Aquino bilang bagong envoy sa China kapalit ng na-stroke na si dating Phl Ambassador to China Sonia Brady.
Bukod sa China, sakop ng hurisdiksyon ni Ambassador Basilio ang Democratic People’s Republic of Korea at Mongolia. Siya ay kasalukuyang Undersecretary for Policy ng Department of Foreign Affairs at nagsilbi bilang Permanent Representative ng Pilipinas sa United Nations sa Geneva simula noong 2007 at 2010 at naging AEP sa Sweden simula 1997 hanggang 2003.
Kinilala ng DFA ang lima pang diplomats na kinumpirma ng CA na sina Elizabeth Buensuceso, Alex G. Chua, Sahid Galang, Domingo Lucenario, Lamberto Monsato at Leandro Lachica.
- Latest