^

Bansa

Sahod ng DH sa Singapore tinaasan

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tinaasan ng mga employer sa Singapore ang suweldo ng mga household workers.

Sinabi kahapon ni Employment and Labor Secretary Rosalinda Baldoz na tinaasan ng mga employer sa Singapore ang sahod ng mga domestic worker salig sa pinaiiral na $400 reform package ng pamahalaang Pilipinas para sa mga household service worker o HSWs.

Ayon sa kalihim,  pu­­mayag na ang mga emplo­yer sa Singapore na magpatupad ng minimum na SGD500 o katumbas ng US$400.

Ang pahayag ng kalihim ay batay sa report  ng Association of Licensed Recruitment Agencies for Singapore, Inc., na ang pagkukusa ng mga amo sa Singapore ay naaayon sa itinatakda ng US$400 salary sa mga Filipino HSWs.

Samantala, nabatid rin sa kalihim na kumilos ang asosasyon ng mga recruiter sa Singapore kaugnay sa kondisyon ng mga HSW na dito ay nagkaroon ng positibong resulta na maliban sa US$400 salary para sa HSWs, hindi na magtatakda ng placement fee bago umalis ang isang HSW, bibigyan ng tatlong beses na pagkain sa isang araw, dapat ay may isang araw na day-off, pitong oras na walang balam na  pagtulog at papayagang gumamit ng cellphone.

ASSOCIATION OF LICENSED RECRUITMENT AGENCIES

AYON

EMPLOYMENT AND LABOR SECRETARY ROSALINDA BALDOZ

HSWS

PILIPINAS

SAMANTALA

SINABI

SINGAPORE

TINAASAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with