Mensahero minarder sa ladies comfort room
MANILA, Philippines - Isang stay-in messenger ang nakahandusay at natagpuang naliligo sa sariling dugo, sa loob ng pambabaeng comfort room sa Asian Psychological Services Assesment Incorporated (APSAT) sa Malate, Maynila.
Kinilala ang biktimang si Andres Espanola, 27, binata, stay-in sa APSAT building sa Bautista corner Zobel St., sa Malate.
Sa ulat ni PO2 Richard Limuco, dakong alas-7:19 ng umaga kahapon nang madiskubreng patay ang biktima ng isa sa kasamahang si Eduardo Cruz, 50.
Ayon pa sa isang Jose Nayles, 53, kasamahan ng biktima, nitong Disyembre 16 ay nakita pa niya itong buhay.
Pinag-aaralan pa ng awtoridad kung ano ang tunay na motibo dahil lumitaw na nawawala ang Samsung cellphone ng biktima.
Isang taon pa lamang umanong namamasukan ang biktima sa nasabing kompanya.
- Latest