Kamara wala ring Xmas party
MANILA, Philippines - Hindi na rin magdaraos ng anumang pagtitipon o Christmas party ang liderato ng Kamara.
Ayon kay House Speaker Feliciano Belmonte Jr., ito ay bilang pakikisimpatiya na rin sa mga biktima ng bagyong Pablo sa Mindanao.
Sa halip ay magbibigay na lamang ng P1.4 milyon ang Kamara matapos na maghain ng House Resolution 2938 si Belmonte.
Nakasaad sa nasabing resolution na inoobliga nito ang may 285 kongresista na mag-donate ng P5,000 mula sa kanilang buwanang sahod para sa mga nasalanta ni Pablo.
Paliwanag ni Belmonte, sa kabila umano ng pagsisikap ng Local Government Units (LGUs) sa Mindanao bawasan ang epekto ng kalamidad na dumaan sa pamamagitan ng pamimigay ng rescue at relief operations ay hindi pa rin ito sapat.
- Latest