^

Bansa

Drug cases sa Taguig, mino-monitor ng PDEA

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tiniyak ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang pagtutok sa kampanya laban sa droga sa Taguig City matapos ang kontrobersiyang kinasasangkutan ng ilang Taguig PNP na inaakusahan ng ini-recycle ang nakumpiskang shabu.

“Puwede kasing samantalahin ng drug syndicate ang sitwasyon kaya naman ang PDEA nag-beef up ng drug monitoring sa lungsod para makasigurado na walang let up sa drug ope­ration natin,” pahayag ni PDEA Chief Arturo Cacdac Jr.

Ang PDEA ang siyang na­ging katuwang ng Taguig PNP sa pangunguna ni Taguig Chief of P/Senior Supt. Tomas Apolinario Jr. sa kampanya nito laban sa illegal na droga na nagresulta sa pagkakaaresto ng ilang bigtime drug pushers kabilang na ang drug dealer na si Elisa Tinga na lider ng Tinga Drug Syndicate at 3rd most wanted sa listahan ng mga tulak ng shabu.

“Kung magugunita natin, nung panahon ng dating admi­nistrasyon, laman ng media ang mga high profile drug related cases.  Andyan ang ‘shabu sari sari store’ sa barangay Ususan na pag-bibili ka ng “Marlboro”, bibigyan ka ng shabu.  Na- expose ito nung March, 2009.  ‘Yung dambuhalang shabu laboratory na P10 bilyon ang halaga nadiskubre noong April 2010, “ pahayag naman ni Atty. Darwin Icay, spokesman ng Nacionalista Party Taguig.

Ito ang mariing paalala ng ilang grupo matapos magpahiwatig ang dating administrasyon na lumala ang peace and order situation sa nasabing lungsod.

Matatandaan na una nang sinabi ni Apolinario na isang sindikato ng droga ang maaaring nasa likod ng black propaganda laban sa kanya.

Itinaggi nito ang aku­sas­yon laban sa kanya na drug recycling at tiniyak na hindi ito magi­ging hadlang para ipagpatuloy ang naumpisahang trabaho sa peace and order.

CHIEF ARTURO CACDAC JR.

DARWIN ICAY

DRUG

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

DRUG SYNDICATE

ELISA TINGA

NACIONALISTA PARTY TAGUIG

SENIOR SUPT

TAGUIG

TAGUIG CHIEF OF P

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with