Shrine, chapel sa Maynila ipapangalan kay Calungsod
MANILA, Philippines - Umaasa si Cardinal designate Manila Archbishop Luis Antonio Tagle na magkakaroon ng mga bagong shrine at chapel sa Archdiocese of Manila na ipapangalan kay San Pedro Calungsod.
Ayon kay Cardinal Tagle, tiyak na darating ang pagkakataon na mayroong magre-request na gawing patron Saint ng isang parokya o shrine si San Pedro Calungsod.
Aniya, hindi naman nakapagtataka na dadami ang Simbahan at chapel na ipapangalan kay San Pedro Calungsod dahil isa ito sa dalawang Pilipinong Santo.
Nilinaw naman ni Tagle na ayaw niyang pangunahan ang usapin sa pagtatayo ng mga shrine at chapel sa pangalan ni San Pedro Calungsod dahil tiyak naman anyang magaganap ito sa takdang panahon.
- Latest





















