^

Bansa

Phl envoy sa Kuwait pinapauwi na dahil sa sexual harrasment

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinababalik na sa bansa ng Department of Foreign Affairs (DFA) si Phl Ambassador to Kuwait Shulan Primavera, 63, na inireklamo ng umano’y pangmo-molestiya sa kanyang Pinay maid sa Kuwait.

Ayon kay DFA spokesman Raul Hernandez, iniutos na ni Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario na i-recall si Primavera at agad simulan ang imbestigasyon laban dito.

Inatasan din ang am­bassador na sagutin ang alegasyong sexual harassment ng kanyang Pinay maid na itinago sa pangalang Jenny na nagsilbi sa naturang diplomat bilang katulong sa loob ng walong buwan.

Si Jenny ay nagsumbong sa Blas Ople Center sa ilalim ng pamumuno ni Susan Ople hinggil sa umano’y pang-aabuso ni Primavera na nananati­ling nasa Embahada ng Pilipinas sa Kuwait.

Si Primavera ay appointee ni Pangulong Aquino noong Hunyo 2010 bilang ambassador sa Kuwait.

 

BLAS OPLE CENTER

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

FOREIGN AFFAIRS SECRETARY ALBERT

KUWAIT SHULAN PRIMAVERA

PANGULONG AQUINO

PHL AMBASSADOR

PINAY

RAUL HERNANDEZ

SI JENNY

SI PRIMAVERA

SUSAN OPLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with