Kabuhayan project pinangunahan nina SB, Joy B
MANILA, Philippines - Pinangunahan nina House Speaker Sonny Belmonte at QC Vice Mayor Joy Belmonte ang pagbubukas ng Kabuhayan 2012 project ng Congressional Spouses Foundation Inc. (CSFI) sa SM megamall, Ortigas kahapon.
Kinilala ni Speaker Belmonte ang CSFI dahil sa malaking tulong ng foundation upang maipakita at maipamalas sa Metro Manila ang mga nagawang produkto at maipaalam sa publiko na hindi natutulog ang mga probinsiya sa mga ambisyon na mapahusay ang kalidad ng kanilang pamumuhay.
Kinilala din ni Speaker Belmonte ang mga exhibitors mula sa iba’t ibang lalawigan dahil sa ginawang pakikiisa para matiyak ang tagumpay ng proyektong ito ng CSFI ngayong taon.
Sinabi naman ni Vice Mayor Belmonte na siyang Pangulo ng CSFI na ang proyekto ay may malaking pakinabang sa mga micro enterprises upang sumigla ang ka nilang negosyo para sa kapakanan ng kani-kanilang mga pamilya.
Ang proyekto ay nagsimula kahapon at magtatapos sa November 11 na kinapapalooban ng mga exhibitors mula sa Ilocos, Quezon province, QC, Benguet, Cordillera, Mandaluyong, Nueva Vizcaya at Bicol.
- Latest