Importers ng Korean noodles sisiyasatin
MANILA, Philippines - Nakatakdang paimbestigahan ng Bureau of Customs (BoC) ang mga importer na nagpasok sa bansa ng mga produktong Korean noodles matapos malaman na ito pala ay nakaka-cancer.
Sinabi ni Customs Commissioner Ruffy Biazon na sinisimulan na nilang kilalanin ang mga importer matapos ideklara ng Food and Drugs Administration at ng FDA’s Korean counterpart, na ang anim na produktong Korean noodles ay mayroong sangkap na kemikal na nakaka-cancer.
Ang mga ito ay ang Spicy Neoguri, Mild Neoguri, Neoguri Cup Noodles, Saewootang Cup Noodles at Seng Seng Udong.
Pinasusumite na rin kay BoC Assessment Operation and Coordinating Group deputy commissioner Prudencio Reyes Jr., ang mga listahan ng mga importer na nagpapasok sa Pilipinas ng mga noodle product na mula sa Korea.
Matatandaan na pina-recall ng FDA ang anim na Korean noodles matapos makumpirma ng Korean FDA na nagtataglay ito ng benzopyrene na nakakasama sa baga, apdo at nakaka-skin cancer.
- Latest