^

Bansa

Colorum na eroplano ibinisto

Malou Escudero - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Nabunyag sa pagdinig kahapon ng budget ng Department of Transportation and Communication (DOTC) sa Senado na  mayroon ding nakakabiyaheng colorum na eroplano.

Inamin ni Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP)Director General William Hotchkiss na mayroong eroplano na hindi rehistrado.

Ang mga colorum na eroplano umano ay hindi nagbabayad ng license fee at walang garantiya na nasuri ang mga ito para matiyak ang safety at airworthiness.

Kaugnay nito, sinabi ni Sen. Ping Lacson na delikado kung may mga nakakapag-operate o nakakalipad na colorum na eroplano.

Wika ni Lacson, kung ‘yong mga nabigyan ng sertipikasyon o mga rehistradong eroplano ay nagkakaroon pa ng aberya mas lalong peligroso ang mga hindi nakarehistro at hindi nasertipikahan na ligtas gamitin.

Iginiit ni Lacson na posibleng isa ito sa mga dahilan kaya nananatili o hindi makaalis-alis sa Category 2 ang CAAP kapag sumailalim sa inspeksyun ng International Civil Aviation Organization (ICAO).

CIVIL AVIATION AUTHORITY OF THE PHILIPPINES

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AND COMMUNICATION

DIRECTOR GENERAL WILLIAM HOTCHKISS

IGINIIT

INAMIN

INTERNATIONAL CIVIL AVIATION ORGANIZATION

KAUGNAY

LACSON

PING LACSON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with