^

Bansa

NCACT nagbabala vs ilegal trade ng tobacco

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagbabala ang Canada-based group na National Coalition Against Contraband Tobacco (NCACT) sa Senado na ang pagpapataw ng napakataas na tax sa sigarilyo ay magdudulot lamang ng talamak na smuggling na posibleng magresulta sa “youth smo­king” na pagkawala ng malaking kita ng gobyerno.

Isang sulat ang ipinaraing ng NCACT, isang grupong lumalaban sa “illicit tobacco trade” sa Canada kay Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos upang magbigay ng babala sa mga problemang puwedeng idulot ng mataas na buwis sa sigarilyo.

Ipinarating ng grupo na pinamumunuan ni Gary Grant kay Marcos ang naging karanasan ng Canada sa talamak na smuggling ng sigarilyo na idinulot ng mataas na buwis.

Si Marcos kasama ang lima pang senador ay nagtungo kamakailan sa Canada sa isang official visit para dumalo sa ika-127th Inter-Parliamentary Union (IPU) Conference mula Oktubre 21 hanggang 26 sa Quebec City, Canada.

Sinabi pa ni Grant na base sa independent estimates nila ay aabot sa $2.1 bilyong buwis ang nawawala sa Canada taun-taon dahil sa smuggling ng sigarilyo.

Si Marcos ay mula sa Ilocos tobacco-producing region ay isa sa mga kontra sa mataas na buwis sa sigarilyo na aniya’y maaring magresulta sa kawalan ng hanapbuhay ng mga tobacco growers sa bansa.

 

BONGBONG

CANADA

GARY GRANT

ILOCOS

INTER-PARLIAMENTARY UNION

IPINARATING

NATIONAL COALITION AGAINST CONTRABAND TOBACCO

QUEBEC CITY

SENATOR FERDINAND

SI MARCOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with