^

Bansa

PNP at NYPD nagkaisa vs transnational crimes

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagkaisa ang Phi­lippine National Police (PNP) at ang New York  Police District  (NYPD) ng Estados Unidos ma­tapos na lumagda sa Memorandum of Understanding (MOU) sa pagpapalakas ng kampanya kontra transnational crime.

Ang MOU ay nilagdaan nina PNP Chief Director General Nicanor Bartolome at ng NYPD  na kinatawan ni Lieute­nant Gustavo Rodriguez, nakatalaga sa sangay ng NYPD sa Singapore sa ginanap na seremonya sa Camp Crame  kamakalawa ng gabi.

“The MOU indicates the cooperation of our two police forces in preventing and comba­ting transnational crimes with emphasis on illegal drugs, terrorism, anti-smuggling, human trafficking, maritime fraud and cybercrime,”ani Bartolome.

Sinabi ni Bartolome, sa pamamagitan ng nilagdaang MOU ay higit pang mapalalakas ang paglaban ng magkaal­yadong puwersa laban sa transnational crime.

Sa panig ni Rodriguez, sinabi nito na ang pakikiisa ng Pilipinas sa paglaban sa transnational crime ay isang magandang senyales ng pagpapatatag ng relas­yon at pagtutulungan ng dalawang magkaal­yadong puwersa.

 “Mitigating transnational crime and combating terrorism is of utmost importance to the NYPD and we again proud to join forces with an agency that shares the same mission,” pahayag ni Rodriguez.

Alinsunod sa kasunduan ay magpapalitan ng impormasyon hinggil sa transnational crime ang PNP at NYPD. Nabatid na una ng lumagda sa MOA ang PNP sa Australian Federal Police sa paglaban kontra transnational crime.

Umaasa si Gen. Bartolome na magiging moderno na ang teknolohiya ng PNP para sa mabilis na pagpapalitan ng impormasyon sa pag­laban sa transnational crime.

“Malimit kapag may exchange of information ay mayroon ding mga capacity building, meaning mga training”, ayon pa kay Bartolome.

AUSTRALIAN FEDERAL POLICE

BARTOLOME

CAMP CRAME

CHIEF DIRECTOR GENERAL NICANOR BARTOLOME

CRIME

ESTADOS UNIDOS

GUSTAVO RODRIGUEZ

MEMORANDUM OF UNDERSTANDING

SHY

TRANSNATIONAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with