^

Bansa

Freebies ng mga pulitiko sa sementeryo premature campaigning

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Maituturing ng Commission on Elections (Co­melec) na isang uri ng premature campaigning ang pamimigay ng libreng tubig, meryenda, tolda at kung anu-ano pa sa sementeryo.

Ayon kay Comelec Chairman Sixto Brillantes Jr., pinayuhan na niya ang mga botante na huwag iboto ang mga pulitikong sangkot sa maagang panga­ngampanya.

Sa kanyang Twitter account, sinabi ni Brillantes na mas halata ang premature campaigning kung ang ipinamimigay na freebies ay may pangalan at larawan ng mga kandidato para sa May 2013 midterm polls.

Ani Brillantes na dapat umanong irespeto ng mga pulitiko ang pagggunita sa Araw ng mga Patay at Santo.

Hindi anya bawal mamigay ng freebies ang mga pulitiko sa Undas, gayunman, binigyang-diin niya na ‘kakapalan’ na ito ng mukha.

Nanindigan pa si Brillantes na ang Undas ay hindi dapat na haluan ng pulitika dahil ito’y okasyon bilang pagbibigay ng respeto sa mga patay.

 

ANI BRILLANTES

ARAW

AYON

BRILLANTES

COMELEC CHAIRMAN SIXTO BRILLANTES JR.

MAITUTURING

NANINDIGAN

PATAY

UNDAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with