^

Bansa

LTFRB, bukas na para sa special permit

Ni Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Binuksan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang kanilang opisina para tumanggap ng aplikasyon mula sa Metro Manila buses para magbigay ng special permit na nais pumasada sa mga lalawigan sa All Saints day at All Souls day sa susunod na lingo.

Ayon sa LTFRB, ang special permit ay may halagang P550.00 kada unit at magmula sa November 1, Huwebes para ihatid ang mga pasahero sa kanilang destinasyon sa mga probinsiya at magtatapos hanggang November 4, araw ng Lingo para naman sa  pagbabalik sa Metro Manila ng mga pasaherong mula probinsiya.

Una nang nagsanib  ang mga elemento ng LTFRB at Land Transportation Office (LTO) para suriin ang road worthiness ng mga sasakyan particular ang mga bus sa mga terminal nito sa Metro Manila na maghahatid sundo sa mga pasahero na uuwi sa kani-kanilang probinsiya sa panahon ng undas.

Mula pa noong Biyernes, nag-inspeksyon na ang LTO sa mga unit ng bus sa Araneta Central Bus Terminal sa Cubao Quezon City at mga terminals sa kahabaan ng Edsa gayundin ang Florida at Raymond Bus terminals sa Maynila.

 

vuukle comment

ALL SAINTS

ALL SOULS

ARANETA CENTRAL BUS TERMINAL

AYON

CUBAO QUEZON CITY

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING AND REGULATORY BOARD

LAND TRANSPORTATION OFFICE

METRO MANILA

RAYMOND BUS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with