Canonization ni Calungsod handa na
MANILA, Philippines - Handa na ang lahat para sa canonization o ang huling hakbang upang maging santo ang isang banal na miyembro ng Simbahang Katoliko.
Si Blessed Pedro Calungsod ay ituturing ng santo sa isang seremonya ng Vatican sa Roma bukas, October 21.
Sa advisory ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), ang mga parokya, youth organizations at mga religious group ay sabay-sabay na magsasagawa ng kani-kanilang programa sa canonization.
Kabilang dito ang Archdiocese of Manila, San Juan City, Archdiocese of Cebu at iba pang lugar.
Bibigyang-pansin sa programa ang buhay ni Calungsod, magkakaroon din ng lectures and trivia games na may kaakibat na gantimpala, papuri at pananalangin.
Noong April 2, 1672, matapos ang binyagan, si Calungsod kasama si Fr. Diego Luis de San Victores ay napaslang sa Guam dahil sa paninindigan bilang tagasunod ng Panginoong Hesus.
Si Calungsod ang ikalawang Santo ng Pilipinas matapos na unang madeklarang Santo si Lorenzo Ruiz na na-canonized ni Pope John Paul II noong 1987.
- Latest